BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011

Paalam sa Kawalang Malay

Sa biglang pagbuhos ng ulang malakas
Waring may nag-uutos sakin na akoy lumabas
 Sabi nga'y ang nakaraan ay bahagi ng lumipas
 Tulad ng kamusmusan na kailangan ko ng takasan

Siguro nga'y tapos na ang isang yugto
Nang nakaraang buhay kong ginugol lamang sa laro
Ngayo'y kailangan  ng unti-unting buksan ang pinto
At pasukin ang kasalukuyang akin ngayo'y tinatagpo

Kahit ayaw ko'y kailangan ng limitahan
Ang matinding halakhakan kahit nasa tabi ng daan
Dati'y lolipop ang hawak, ngayo'y librong susi sa kaalaman
Ngayo'y nandito na'ko sa realidad na kailangan kalimutan ang laruan

Sadyang gayon nga siguro ang buhay
Kailangang maging mulat para magtagumpay
Ang patuloy na paglaban sa pagsubok ay siyang magpapatunay
Sa paninindigan kong PAALAM NA SA KAWALANG MALAY.

0 comments: